Home METRO P3.7M shabu nasamsam sa Zamboanga

P3.7M shabu nasamsam sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang P3.7 milyong halaga ng shabu mula sa dalawang suspek, sa ikinasang operasyon sa Zamboanga City nitong Miyerkules, Pebrero 5.

Ayon kay Col. Kimberly Molitas, acting director ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), kinilala ang mga suspek na sina Cesar Manalo, 27, at Alkaber Bahari, 21.

Ani Molitas, ang mga suspek ay nahuli bandang 6:15 ng umaga sa Sitio Asinan, Barangay Kasanyangan.

Nakumpiska ang 550 gramo ng hinihinalang shabu sa 11 plastic sachets, isang .38 caliber revolver, buy-bust money at backpack.

Nauna nang naharap si Molitas sa reklamong may kaugnayan sa illegal na droga at outstanding arrest warrant sa grave threats.

Sa hiwalay na operasyon, binuwag ng joint forces mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ZCPO ang drug den sa in Sitio Picnic Ground, Barangay Tugbungan. Tatlong suspek ang naaresto rito.

Kabilang sa mga nasamsam ay P81,600 halaga ng shabu, buy-bust money at drug paraphernalia. RNT/JGC