Home NATIONWIDE P3.8B pondo para sa free WiFi program expansion, ikinagalak ni Tol

P3.8B pondo para sa free WiFi program expansion, ikinagalak ni Tol

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang anunsyo ng Department of Budget Management (DBM) na pagpapalabas ng P3.8 bilyong pondo para sa pagpapatupad ng programa ng pamahalaan na “free nationwide Wi-Fi”.

Agad hinimok ni Tolentino ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ang implementing agency ng ‘Free Wi-Fi for All’ program na agad mag-install ng 13,462 access point sites at palawakin ang digital connectivity ng bansa.

Sinabi ni Tolentino unang makikinabangan sa lahat sa pagpapalawak ng Internet connectivity na ngayo’y isa nang pangangailangan, ay ang mga kababayan nating nasa malalayong lugar.

Ani Tolentino, uunahin ng libreng Wi-Fi program ng gobyerno ang mga geographically isolated at disadvantaged areas.

Idinagdag ng senador na ang libreng Wi-Fi program ng administrasyong Marcos ay magbibigay-daan sa mga mahihirap na ma-access ang mga app tulad ng messenger, viber, o mga libreng tawag upang mapadali ang kanilang buhay at maikonek sila sa kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.

Ang “Libreng Wi-Fi Para Sa Lahat Programa” ay ipinag-uutos ng RA 10929, kilala rin bilang Free Internet Access in Public Places Act. RNT