Home METRO P3.8M tobats nasamsam

P3.8M tobats nasamsam

CEBU CITY- Umabot sa P3.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang high-value individuals (HVIs) isinagawang magkahiwalay na buy-bust operations nitong Linggo sa lungsod na ito.

Kinilala ang unang nadakip na suspek na si Albert Kinn Punay, 20, kilala sa alyas “Boss Yawa,” at residente ng Sitio Cogon Barangay Labangon, Cebu City.

Sa report ng Labangon Police Station, bandang alas-11 ng gabi nang madakip ang suspek sa Sitio Cogon.

Nakuha kay Punay ang 60 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P408,000, P1,000, 11 P1,000 bill bilang buy-bust money.

Bandang alas-2 ng madaling araw naman sa Sitio Tugas, Barangay Cogon Pardo, sunod na nadakip si John Rey Labra Tello, residente ng Barangay Cogon Pardo.

Nakuha kay Tello ang 505 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may estimated market value na P3.4 milyon.

Ayon kay Police Major Jeciree Basitao, hepe ng Inayawan Police Station, nakapagbebenta ng dalawang kilo ng shabu si Tello kada buwan sa naturang lugar.

Nakakulong ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy naman ang ginagawang follow-up operation ng pulisya para alamin ang iba pang sangkot o nagsusuplay ng ilegal na droga sa mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleIna patay sa pananaksak ng anak na ‘di nabigyan ng pera
Next articleKoko: Isang tao na nagwagi ng 20 beses sa lotto sa isang buwan, imposible