Home HOME BANNER STORY P300M tobats nasabat sa 2 Pinoy sa NAIA

P300M tobats nasabat sa 2 Pinoy sa NAIA

176
0

MANILA, Philippines – Naaresto sa Ninoy Aquino International Airport ang dalawang Pilipino mula Canada matapos mahulihan ng higit ₱300 milyon halaga ng shabu sa kanilang mga bagahe noong Lunes, Hulyo 14, 2025.

Base sa ulat, isang lalaking pasahero na dumaan sa Hong Kong ang nasabat na may dalang 20 kilo ng shabu na tinatayang ₱140 milyon ang halaga.

Kinahapunan, isang babaeng pasahero naman ang nahulihan ng 24.2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱164.7 milyon.

Iniimbestigahan ngayon ng PNP AVSEGROUP at PDEA kung may ugnayan ang dalawa dahil magkapareho ang packaging ng nakumpiskang droga.

“Pareho silang galing Canada. Iniimbestigahan pa kung ano ang relasyon nila at kung saan sila dumaan,” ayon kay PDEA spokesperson Joseph Frederick Calulut.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan ng droga at mga nasa likod nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here