Home NATIONWIDE P33-P35 kada kilong bigas mabibili na sa Manila

P33-P35 kada kilong bigas mabibili na sa Manila

PINANGUNAHAN ni San Juan City Mayor Francis Zamora, at City Council kasama si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang pagbebenta ng NFA rice sa halagang P1,650 kada sako, katumbas ng P33 kada kilo sa San Juan City Hall.Ang programang ito ay bahagi ng Food Security Emergency Program ng Pambansang Pamahalaan at naglalayong magbigay ng abot-kayang bigas sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Nagsimula nang magbenta ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ng bigas mula sa buffer stock ng National Food Authority (NFA) sa halagang P33 hanggang P35 kada kilo matapos ideklara ang food security emergency. Inisyal na 150,000 sako ang inilaan, at maaari pang madagdagan batay sa pangangailangan.

Bawat sako ay nagkakahalaga ng P1,650 o P33 kada kilo at maaaring ibenta sa mga mamimili ng hanggang P35 kada kilo. Binalaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na huwag itong ibenta sa mga negosyante o taasan ang presyo lampas sa itinakdang halaga.

Sa San Juan City, pumila ang mga residente para sa murang bigas sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ayon kay Marisa Cruz, malaking tulong ang naipon nilang mahigit P1,000 sa gastos sa pagkain.

Malapit na ring maging available ang NFA rice sa mga probinsya tulad ng Camarines Sur. Wala pang limitasyon sa bentahan sa ngayon, pero posibleng magpatupad ng lingguhang cap kung tataas ang demand sa buong bansa. RNT