Home METRO Maguindanao vice mayor sugatan sa pamamaril habang nagtatalumpati

Maguindanao vice mayor sugatan sa pamamaril habang nagtatalumpati

MAGUINDANAO DEL SUR – Binaril at nasugatan si Datu Piang Vice Mayor Omar Samama ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagsasalita sa evacuation center sa Barangay Magaslong, Maguindanao del Sur, nitong Lunes ng umaga.

Tumatakbo para sa reelection si Samama at tinamaan sa tiyan bago isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center para sa agarang operasyon.

Naganap ang insidente sa isang programa ng lokal na pamahalaan na nagbibigay ng serbisyong medikal at dental sa mga residente. Naroon din sa entablado ang kanyang ama na si Datu Piang Mayor Victor Samama.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa salarin upang maibalik ang kaayusan sa lugar. Nangako ang mga opisyal na poprotektahan ang komunidad at papanagutin ang may kagagawan. RNT