Home NATIONWIDE P34M tulay pinasinayaan sa La Union

P34M tulay pinasinayaan sa La Union

MANILA, Philippines – Pinasinayaan ni Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David ang P34.5 milyong halaga ng Pideg Bridge sa Tubao, La Union na magpapalakas sa ekonomiya ng nabanggit na lugar.

Ang konstruksyon nito ay nagsimula noong Abril 25, 2023 at nakumpleto noong Disyembre 10, 2024.

May habang 30 metro ang tulay at mayroong 306 x 6.1-meter pavement at nagsisilbing alternatibong ruta sa munisipalidad ng Rosario, La Union.

Nagdudugtong ito sa mga barangay ng Pideg at Francia Sur sa Tubao patungong Barangays Bacani, Marcos, Tanglag, at Parasapas sa Rosario na magdurugtong naman sa Marcos Highway para sa mga pupunta sa Baguio City.

Samantala, sinabi ni Ortega na nasa 90% nang kumpleto ang mga road project sa iba’t ibang barangay sa probinsya at inaasahang matatapos din ngayong taon. RNT/JGC