MANILA, Philippines – Dapat magpatawag na ang Kongreso ng special session si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para payagan ang Senado na agarang mag-convene bilang isang impeachment court sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay dating Senate President Franklin Drilon nitong Sabado, Pebrero 8.
Hinikayat din ng Buhay ang People Power Network, isang malaking koalisyon ng church leaders, civil society groups, sectoral at nongovernmental organizations, ang Senado na agarang magsagawa ng special session para itatag bilang isang impeachment court ayon sa mandato ng Konstitusyon.
“The special session is necessary to start the process … because the impeachment court can only be convened upon the referral by the Senate of the impeachment complaint in a plenary session,” sinabi ni Drilon.
“After the impeachment court is convened, it will have its own life.”
Matatandaan na noong Miyerkules ay nag-adjourn ang Senado nang hindi tinutukoy ang impeachment complaint laban kay Duterte na naipadala na sa Kapulungan sa araw din na pinirmahan ito ng 215 miyembro ng Kamara.
Nakatakdang magbalik ang regular na sesyon ng Kongreso sa Hunyo 2, matapos ang May 12 midterm polls. RNT/JGC