ABU DHABI — Nagpaabot ng agarang relief assistance ang United Arab Emirates sa mga komunidad na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa katimugang baybayin ng Pilipinas, na ikinasawi ng 47 katao at ikinasugat ng mahigit 200 iba pa.
Ipinadala ang tulong sa pamamagitan ng UAE Aid Agency, kasunod ng needs assessment na isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Pilipinas upang matukoy ang pangunahing pangangailangan ng mga apektadong komunidad.
“This urgent UAE response stems from the country’s international responsibility toward communities and peoples facing natural disasters and crises. We aim to alleviate the suffering of those affected by the earthquake and help with early recovery and stability in coordination with international organisations and relevant local authorities,” pahayag ni Dr. Tareq Ahmed Al Ameri, chairman ng UAE Aid Agency.
Ayon kay Al Ameri, nakabatay ang relief support sa isang comprehensive needs assessment upang matukoy ang mahahalagang pangangailangan ng mga biktima ng lindol.
Sinabi niya na nananatiling committed ang UAE na maihatid ang essential needs sa pinakamabilis na paraan sa panahon ng kalamidad at kritikal na sitwasyon, alinsunod sa humanitarian assessments ng mga kaukulang United Nations organizations.
Sa pamamagitan ng Ministry of Foreign Affairs, nagpahayag din ang UAE ng pakikiisa sa Pilipinas matapos tumama ang lindol sa Mindanao.
Nagpaabot din ang UAE ng pakikiramay sa mga pamilya ng nasawi, gayundin sa pamahalaan at mamamayan ng Pilipinas, at humiling ng mabilis na paggaling para sa mga nasugatan. Dave Baluyot