Home NATIONWIDE P38.5M Megalotto jackpot paghahatian ng 2 mananaya

P38.5M Megalotto jackpot paghahatian ng 2 mananaya

224
0

MANILA, Philippines – Maghahati ang dalawang mananaya sa jackpot ng Megalotto 6/45 na P38,521,162.80.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, dalawang maswerteng mananaya ang nakahula ng winning combination number na 40-10-16-28-07-09 sa draw nitong Lunes, Agosto 11.

Samantala, wala namang nanalo ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 sa winning numbers na 40-17-12-29-11-48 sa P66,935,255.00 jackpot. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here