MANILA, Philippines – Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Linggo na mayroon itong P3 bilyon na standby funds at isang prepositioned relief stockpile na nakahanda para sa mga kalamidad sa buong bansa ngayong taon.
“Ito po ay magagamit natin para tutugon sa mga request ng iba’t-ibang local government units (LGUs) na naapektuhan,” ani DSWD spokesperson Irene Dumlao.
Idinagdag niya na mahigit tatlong milyong family food packs ang nakalagay sa mga bodega ng DSWD para sa buong bansa, gayundin sa mga bodega ng mga local government units (LGUs) at pribadong organisasyon.
Sa hiwalay na panayam, iniulat ng Office of Civil Defense ang mahigit 3,700 pamilya mula sa Ilocos Region (Region I), Cordillera Administrative Region (CAR), at Cagayan Valley (Region II) ang apektado sa ngayon ni Bising (international name: Danas).
Sinabi ni Dumlao na nagbigay ng tulong ang DSWD sa mga apektadong residente, partikular sa Benguet at Ilocos Sur. RNT/MND