Home METRO P3M marijuana nakumpiska sa buy-bust ops sa La Union

P3M marijuana nakumpiska sa buy-bust ops sa La Union

LA UNION – Nagkakahalaga ng P3,000,000.00 ang nakumpiskang marijuana leaves ng mga otoridad mula sa pitong high-value individuals sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation sa Brgy. Antonino, Balaoan ng lalawigang ito kahapon, Abril 5.

Lima sa mga naarestong suspek ay galing ng Imus, Cavite samantalang ang isa ay mula sa Santol, La union at isa pa naman ay mula sa Dasmariñas, Cavite.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng PNP Drug Enforcement Unit Special Operations Unit 1, Regional Intelligence Division, Regional Police Drug Enforcement Unit 1, La Union 1st PMFC, Provincial Intelligence Unit La Union, Provincial Drug Enforcement Unit La Union, Bangar MPS, Balaoan MPS, Bacnotan MPS at PDEA RO1 in coordination with IMEG Luzon Field Unit and Regional Intelligence Unit 1 (IG).

Bukod sa humigit-kumulang na 25,000 gramo ng marijuana leaves na nakumpiska ng mga otoridad sa naturang buy-bust operation, may narekober din silang Uzi 9mm caliber sub-machine gun at isang box ng CTG (30 rounds) 5.56mm live ammunition.

Pinuri at pinasalamatan ni PBGen. Lou F. Evangelista, Regional Director ng Police Regional Office 1 ang mga operatives dahil sa naging matagumpay nilang operasyon.

“We will continuously implement our aggressive stance against all forms of criminality especially against illegal drugs. We will exhaust our efforts to clear very corner of Ilocos Region from illegal,” wika ni Evangelista. Rolando S. Gamoso