Home NATIONWIDE P4.56B droga winasak ng PDEA

P4.56B droga winasak ng PDEA

110
0

TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Winasak ng mga awtoridad ang mahigit P4.56 bilyong halaga ng ilegal na droga sa pamamagitan ng thermal decomposition sa Cavite, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Isinagawa ang pagsunog sa Integrated Waste Management Inc. sa Barangay Aguado, kung saan winasak ang 1,136.5521 kilo ng solid illegal drugs at 657.1300 milliliters ng liquid drugs na nasamsam sa sunod-sunod na operasyon sa Metro Manila, Calabarzon, at karatig-lalawigan sa loob ng dalawa at kalahating buwan.

oplus_131072

Kabilang sa winasak ang 555.2393 kilo ng shabu, 442.9399 kilo ng marijuana, 1.6651 kilo ng MDMA ecstasy, 117.3860 kilo ng cocaine, 15.8149 kilo ng ephedrine, at 0.5070 kilo ng ketamine.

Kasama rin sa winasak ang mga tinaguriang “floating drugs” tulad ng marijuana at shabu na narekober sa karagatan at coastal areas ng Palawan.

Pinangunahan ang aktibidad ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, at sinaksihan nina DILG Secretary Jonvic Remulla, Cavite Governor Abeng Remulla, PRO4A Regional Director PBGen Hansel M. Marantan, Cavite Police Director PCol Ariel R. Red, gayundin ng mga kinatawan mula sa Department of Justice, LGUs, at NGOs.

Ayon kay Remulla, bahagi ito ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa.

“Bumaba ang droga, Tumaas ang presyo ng droga, Bumaba ang krimen. Patunay lamang na ang pagtaas ng presyo ng droga ay pagbaba ng krimen sa bansa”

“Wala na pong Ninja Cops sa Pillipinas, Wala ng Ninja Cops sa PNP. Trust the PNP at siguradong tuluyang bababa ang droga sa bansa,” aniya. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here