Home NATIONWIDE P4.5M kush naharang ng BOC

P4.5M kush naharang ng BOC

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa P4.5 milyon halaga kush o high-grade marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) makaraang maharang ang nasa anim na parcel na nagmula sa bansang Thailand sa isinagawang operasyon sa Pasay City.

Ayon sa BOC, pinigil ng kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga nasabing parsel makaraang makitaan ito ng mga kahina-hinalang bagay makaraang idaan sa mga regular na inspeksyon tulad ng x-ray at K9 sniffing.

Sa isinagawang pisikal na inspeksyon, nadiskubre ang nasa 3,231 gramo ng kush na tinatayang nasa street value na P4,523,400.

Itinurn-over ang mga nasabing kontrabando sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa karagdagang imbestigasyon at paghahain ng kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ng Customs Modernization and Tariff Act. JAY Reyes