BENGUET – Nagkakahalaga ng P4,800,000 ang dried marijuana leaves na narekober ng mga PDEA agent at PNP personnels sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation sa bayan ng Kapangan ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Pebrero 14.
Ayon sa PDEA CAR, 40 na tubular dried marijuana leaves na may kabuuang timbang na 40 kilograms ang narekober ng mga PDEA agent at PNP personnel sa naturang buy-bust operation.
Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa ng PDEA-CAR RSET, PDEA Baguio City/Benguet Provincial Office at Kapangan Municipal Police Station.
Nabatid na nakahalata ang dalawang suspek kaya bago pa sila maaresto ay agad silang tumakas.
Dahil dito, nagkaroon ng habulan ang mga operating unit at mga suspek sa mga matatarik na bangin sa naturang lugar.
Ilan sa mga operatiba ang nagkaroon ng scratches at sugat dahil sa kanilang paghabol.
Nabigo ang operating team na mahuli ang dalawang suspek. Rolando S. Gamoso