Home NATIONWIDE Robin Padilla na-depress sa pagkakadawit nina Dela Rosa, iba pa bilang co-perpetrators...

Robin Padilla na-depress sa pagkakadawit nina Dela Rosa, iba pa bilang co-perpetrators sa ICC case

233
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Robin Padilla nitong Sabado, Pebrero 14, na lubha siyang nalungkot matapos malaman na napangalanan ng International Criminal Court (ICC) ang kanyang mga kasamahan na sina Senador Christopher “Bong” Go at Ronald “Bato” Dela Rosa, bilang co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“I cried. I felt depressed,” ani Padilla.

Hindi niya rin umano tiyak kung ano na ang mangyayari at kung sino ang mga maninindigan kasama niya sa Senado bilang mga tagasuporta ni Duterte.

“If these two are issued a warrant of arrest, then it will just be me. Isn’t that depressing?” ani Padilla.

Kamakailan ay tumanggap ng batikos si Padilla matapos tawagin ang mga kabataan na “weak” at sinabing nang kapanahunan niya ay hindi uso ang “depression.”

Sa kabila nito, sinabi ng senador na hindi lamang siya uupo at iiyak kasabay ng panawagan kina Go at Dela Rosa na sabihin lamang kung ano ang maitutulong nito sa kanila.

Nakipag-ugnayan na rin umano siya kay minority floor leader na si Senador Alan Peter Cayetano, upang malaman kung ano ang gagawin dahil una silang maaapektuhan bilang minority sa Senado.

Umapela naman si Padilla sa pamahalaan at sinabing ang Pilipinas, bilang sovereign country, ay hindi dapat payagan ang isang Filipino na litisin ng ICC.

“Are we really going to hand over our fellow countrymen to foreigners? I am appealing to our government to please put a stop to this,” sinabi ni Padilla. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here