LAGUNA, Philippines – Tinatayang nasa P446K ang mga nakumpiskang hindi dokumentadong sigarilyo sa checkpoint, kaninang madaling-araw sa kahabaan ng Candelaria San Juan National Road sakop ng Barangay Manggalang Bantilan Sariaya, Quezon.
Base sa report na dumating sa tanggapan ni PBGen.Jack L. Wanky Regional Director ng PRO4 Calabarzon dakong ala- 1:20 ng madaling – araw habang nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga tauhan ng Sariaya Municipal Police Stayion, kung saan isang Totota Innova na may plakang NJC- 5495 ang pinahinto para magsagawa ng visual inspection.
Napag-alaman sa isinagawang visual inspection nakita sa plain view ang ilang ream na sigarilyo na hindi umano pamilyar ang tatak nito, kaya hiningi ng mga pulis sa driver ng Toyoya Innova ang dokumento ang mga sigarilyokung saan wala umanong maipakitang anumang kaukulang papeles ang driver na nakilala sa Alyas Elmer 58, residente ng Barangay Bolo Norte Sipocot Camarines Sur.
Nakumpiska sa nasabing sasakyan ang anim (6) na kahon na naglalaman ng 300 ream at 19 na nakahiwalay na reams na hinihinalang mga smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng Php 446,600,00.
Samantalang, pinaalalahanan ni PBGen. Wanky ang publiko ang pagbebenta at pagdadala ng mga hindi dokumentadong produkto partikular ang smuggled na sigarilyo ay isang paglabag sa batas.
“Ang ganitong gawain ay hindi lamang labag sa batas, kundi isang banta rin sa kaligtasan ng mamamayan at ekonomiya ng ating rehiyon. Patuloy na magsasagawa ng mas pinaigting na operasyon ang PRO CALABARZON laban sa lahat ng uri ng smuggling at iba pang krimen.” ayon kay PBGen Jack L. Wanky.
Ang mga narekober na ebidensya ay pansamantalang nasa kustodiya ng Sariaya Municipal Police Station para sa dokumentasyon at imbestigasyon, patuloy naman ang koordinasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng mga sigarilyo para masampahan ng kaukulang kaso ang mga taong sangkot sa mga nakumpiskang sigarilyo. /Ellen Apostol