MANILA, Philippines – Walang maswerteng mananaya ang nanalo sa jackpot prize na P489.85 milyon sa Ultra Lotto 6/58 at P15 milyon sa Mega Lotto 6/45 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, Nobyembre 6, 2026.
Batay sa resulta ng PCSO, ang winning combination sa Ultra Lotto 6/58 ay 09-26-10-04-02-47. Walang tiket ang nakakuha ng lahat ng anim na winning numbers.
Samantala, 45-39-38-13-05-21 naman ang winning combination sa Mega Lotto 6/45. Wala ring tumama sa anim na numero upang maiuwi ang jackpot prize. RNT/MDS