Home METRO Sunog sa Makati Central Square, naapula matapos higit 1 oras

Sunog sa Makati Central Square, naapula matapos higit 1 oras

1
0

MAKATI CITY, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang establisimyentong pangkomersiyo sa loob ng Makati Central Square sa Chino Roces Avenue, Barangay Pio del Pilar, Makati City, nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 6.

Unang naiulat ang sunog bandang alas-6:06 ng gabi. Umabot ito sa first alarm makalipas ang ilang minuto, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Hindi bababa sa 19 na fire responder ang rumesponde sa insidente.

Idineklarang under control ang sunog bandang alas-6:46 ng gabi at tuluyan itong naapula bandang alas-7:36 ng gabi.

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here