Home METRO P4M alahas, kwarta nakulimbat ng akyat-bahay sa Cavite

P4M alahas, kwarta nakulimbat ng akyat-bahay sa Cavite

189
0

MANILA, Philippines – Nasa humigit-kumulang ₱4 milyon halaga ng mga alahas at pera ang natangay ng anim na kalalakihan makaraang pasukin ang bahay at gapusin ang buong pamilya na nakatira sa isang subdibisyon sa Imus City, Cavite, kamakalawa ng madaling araw.

Batay sa nakalap na report, sakay ng isang Fortuner ang anim na suspek.

Ayon sa salaysay ni alyas Marie, 38, isang real estate sales officer at residente ng Brgy. Carsadang Bago, Imus City, dakong alas-3:10 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek ang kanilang bahay sa pamamagitan ng pagsira sa padlock ng gate at, nang makapasok, ay iginapos ang biktima, ang kanyang asawa, at anak na babae.

Tinakpan din umano ng mga suspek ang bibig ng mga biktima gamit ang adhesive tape upang hindi sila makapag-ingay at makahingi ng tulong. Tinangay ang tinatayang ₱4,000,000 halaga ng mga alahas, ₱340,000 at ₱500,000, at iba pang mahahalagang kagamitan, o kabuuang ₱4,800,000.

Matapos makuha ang pakay, tumakas ang mga suspek. Hindi naman binanggit kung paano nakakalas ang mga biktima sa pagkakagapos at kung paano sila nakahingi ng tulong.

Patuloy na nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV footage upang matukoy ang dinaanan ng mga suspek at ang kanilang pagkakakilanlan para sa agarang ikadarakip ng mga ito. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here