Home NATIONWIDE P4M shabu nasamsam sa tibo

P4M shabu nasamsam sa tibo

275
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG humigit kumulang sa P4 milyon ang halaga ng hinihinalang shabu na nakumpiska sa isang lesbian sa isinagawang drug buy-bust operation ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit at PDEA nitong Huwebes, Setyembre 25 sa Purok Ilang-Ilang 1, Barangay Silangan Mayao, sa lungsod ng Lucena, Quezon.

Ang suspek na pansamantalang nakapiit sa himpilan ng pulisya at kabilang sa High Value Individual na nakilala sa Alyas Joyce, Lesbian, nasa hustong gulang, at residente ng nabanggit na lalawigan.

Base sa report ni P/Col Romulo A. Albacea Provincial Director ng Quezon PNP kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas Regional Director ng PRO4 Calabarzon, dakong alas-2:30 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust drug operation ng pinagsanib na puwersa ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit at PDEA kung saan dinakip ang suspek na akto umanong binibentahan ang nagpanggap na poseur buyer na pulis.

Narekober sa suspek ang tatlong (3) pirasong heat-sealed teansparent plastic sachet at pitong (7) pirasong heat-sealed transparent plastic bag, na pawang naglalaman umano ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit kumulang sa 210 gramo na may standard drug price value na P1,428,000.00 at may street value na P4,284,000.00 gayundin ang ginamit na buy-bust marked money ng nagpanggap na posuer buyer. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here