TABUK CITY, Kalinga- Winasak ng mga awtoriddad ang 27,500 fully grown marijuana na nagkakahalaga ng P5.5 milyon mula sa dalawang plantasyon sa two-day eradication operation sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga nitong Sabado at Linggo.
Sinabi ni Police Capt. Ruff Manganip, Kalinga police spokesperson, na nadiskubre ng operating units nitong Sabado ang 20,000 piraso ng fully grown marijuana plants sa 2,000-square meter na lupain sa Barangay Loccong na nagkakahalaga ng P4 milyon.
Kinabukasan, natuklasan naman ng mga awtoridad ang isa pang taniman kalapit nito na may land area na 750-square meters at 7,500 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.
Ani Manganip, sinunog ang mga ito at dinala ang samples saa provincial police headquarters para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.
Pinuri ni Police Col. Freddie M. Lazona, Kalinga police director, ang kapulisan sa matagumpay na eradication operation.
Nagsasagawa rin ang mga awtoridad ng follow-up investigation upang matukoy ang cultivators. RNT