Home METRO P5/kg pagbili ng palay sa mga magsasaka, “abusado” -DA

P5/kg pagbili ng palay sa mga magsasaka, “abusado” -DA

247
0

MANILA, Philippines – Tinuligsa ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes ang mga ulat ng ilang mangangalakal ng palay na umano’y sinasamantala ang mga magsasaka sa  panahon ng ani, kasunod ng mga pahayag na binibili ang sariwang, basang palay (unhusked rice) sa halagang PHP5 kada kilo sa Nueva Ecija.

Sa ulat na inilabas ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ang nagtulak sa DA na maglunsad ng imbestigasyon sa usapin.

“Sobra-sobra na iyon, talagang pang-abuso iyon ng mga traders na meron pang bumibili,” ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa.

Nagbabala siya na kung mapapatunayan, ang mga negosyanteng sangkot ay maaaring maharap sa mga kasong profiteering.

“Kung totoo iyon, alamin kung sino iyong bumibili ng mga traders at i-report talaga kasi may abuso talaga.”

Ang mga pagsisiyasat sa iba pang naunang ulat ng mababang presyo na pagbili ng mga negosyante ay patuloy pa rin, sabi ni de Mesa.

Samantala, sinabi niya na ang ahensya ay magpapanukala ng isang minimum na presyo ng farmgate para sa palay simula sa susunod na panahon ng pag-aani, na inaasahan sa pagitan ng kalagitnaan ng Setyembre at Oktubre.

Gayunpaman, binigyang-diin ni De Mesa ang kahalagahan ng House Bill No. 1 o ang panukalang Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act, na susuporta sa pagpapatupad ng floor price.

Hindi pa matukoy ng DA ang aktwal na floor price para sa halaga ng palay farmgate. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here