Home METRO P500K pabuya alok sa ikahuhuli ng 5 kawatan ng pawnshop

P500K pabuya alok sa ikahuhuli ng 5 kawatan ng pawnshop

DAVAO CITY- Naglaan ng P500,000 na pabuya ang Davao City Police Office para pagdakip sa limang suspek na nanloob sa isang pawnshop noong Miyerkules.

Ayon kay acting DCPO chief Police Col. Hansel Marantan, nag-alok sila ng tig P100,000 sa bawat isang suspek na mahuhuli o sino mang makapagbigay ng impormasyon hinggil sa pinagtataguan ng mga ito matapos looban ang isang pawnshop sa Ilustre St .,Davao City, umaga noong Miyerkules at tinangay ang P15,136,490 halaga ng mga alahas.

Nakakulong naman sa lock-up cell ng Davao City Police ang isa sa mga suspek na si Jonny, matapos madakip sa loob ng Bankerohan Market sa nasabing lugar.

Narekober kay Jonny ang 9mm handgun, AR-15 assault rifle, bullets, at alahas mula sa pawnshop. Mary Anne Sapico