Home NATIONWIDE P50B economic stabilization fund ipinanukala sa Kamara

P50B economic stabilization fund ipinanukala sa Kamara

92
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Negros Occidental 3rd District Representative Javier Miguel Benitez ng komprehensibo at permanenteng sistema para sa mas mabilis at proactive na economic crisis response.

Sa pahayag nitong Sabado, Marso 28, sinabi ni Benitez na ang proposed Resilient Economy and Stabilization for Crisis and Urgent Emergencies (RESCUE) Act ay inihain sa Kamara kasabay ng tumitinding tensyon sa Strait of Hormuz kung saan dumadaan ang malaking bahagi ng mga produktong petrolyo.

Kabilang sa hakbang ay ang P50-billion Bayanihan Economic Stabilization Fund, na maaaring gamitin sa oras na maideklara ang national emergency at ang tulong ay kailangang mailatag sa loob ng 72 oras.

Ani Benítez, kabilang din sa panukala ay ang paglikha ng National Economic Resilience Council para sa koordinasyon sa response efforts kabilang ang real-time economic early warning system para imonitor ang mga panganib at masiguro ang napapanahong intervention.

Sinabi pa ng mambabatas na masisiguro sa RESCUE Act na ang response systems, funding, at coordination mechanisms ay nakahanda na bago pa tumama ang krisis para sa mas mabilis at targeted intervention.

Palalakasin din ng hakbang ang emergency protections, kabilang ang direct cash transfers, fuel at wage subsidies, at mandatory grace periods sa pautang, renta, utilities at insurance kasabay ng idineklarang national emergency maging ang probisyon para palakasin ang supply chain resilience, energy security, at strategic reserves. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here