MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga awtoridad sa Maguindanao del Norte ang nasa P5 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa national highway sa Datu Odin Sinsuat.
Sa ulat, sinabi ni Lt. Colonel Samuel Roy Subsuban, Datu Odin Sinsuat municipal police station chief, na ang mga nakumpiskang kontrabando ay ibinyahe mula Lebak, Sultan Kudarat patungong Maguindanao del Norte na patungo sa Davao City sakay ng cargo truck.
“We received a tip from concerned citizen about the possible transport of smuggled cigarettes passing through Datu Odin Sinsuat,” saad sa pahayag ni Subsuban.
Pinara ng mga pulis na nagmamando sa checkpoint sa Barangay Kenebeka, Datu Odin Sinsuat ang van bandang alas-3 ng hapon.
Nakita rito ang nasa 133 kahon ng imported na sigarilyo na nagkakahalaga ng P5,054,000.
Tinukoy ng pulisya ang dalawang naarestong suspek na sina Ryan Gabriel, drayber at helper na si Roy Borja, kapwa mula Toril, Davao City.
Nakatakdang iturn-over ng pulisya ang mga sigarilyo sa Bureau of Customs. RNT/JGC