Home NATIONWIDE Roque dapat kasuhan ng treason – solon

Roque dapat kasuhan ng treason – solon

MANILA, Philippines – Malinaw na treason ang panawagan ni dating Presidential spokesperson Harry Roque na patalsikin sa pwesto si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa pamamagitan ng people power, ayon kay House Committee on Human Rights Chairman Rep. Benny Abante.

Ang pahayag ay ginawa ni Abante sa harap ng paulit ulit na banat ni Roque laban sa Marcos administration gayundin ang paghihikayat nito sa kanyang supporters na mag-alsa laban sa administrasyon.

Ang galit ni Roque laban sa administrasyon ay resulta ng pagkaso dito ng contempt ng House of Representatives at pagdetine dito ng 24 oras.

“Hindi naman siguro tama ‘yong ganoon ‘di ba?. I mean, it’s one thing to be able to rally against the government, it is another thing to say, let us come together so we could be able to topple down this government,” paliwanag ni Abante.

Giit ni Abante na hindi naman nakakaalarma ang panawagan ni Roque lalo at wala itong batayan.

“Public upheaval against President Marcos can be considered a pipe dream because of his immense popularity,” pagtatapos pa ni Abante. Gail Mendoza