Home METRO P5M marijuana plantation sinunog

P5M marijuana plantation sinunog

TABUK CITY, Kalinga – Umabot sa higit P5 milyon ang halaga ng fully grown marijuana ang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa Kalinga.

Ayon sa Kalinga Police Provincial Office o KPPO, sa tulong ng mga concerned citizen ay nadiskubre ng mga awtoridad ang tatlong plantation sites sa bahagi ng Brgy. Loccong at Brgy. Buscalan sa bayan ng Tinglayan at sa Sitio Anunang, Liwan West sa bayan ng Rizal.

Umabot naman sa 2,550 sqm ang kabuuang sukat ng tatlong plantation sites na nadiskubre sa mga nasabing lugar.

Nasa kabuuang 25,250 fully grown marijuana rin ang binunot at sinunog sa ikinasang marijuana eradication.

Wala namang nadatnan at nahuling mga cultivator ang mga awtoridad sa lugar ng isagawa ang naturang operasyon. Rey Velasco

Previous articleState of calamity nagbabadyang ideklara sa bayan sa Albay sa El NiƱo
Next articleEasterlies nakaaapekto sa buong bansa