MANILA, Philippines- Tinututukan ng mga awtoridad ang paghahanap sa Chinese national na si Wenli Gong, wanted sa kasong kidnapping, ayon sa ulat.
Nag-alok naman ng P5 milyong pabuya para sa impormasyong magreresulta sa pagkakaaresto sa kanya.
Huling nakita si Gong, kilala rin sa mga alyas na Huang Yanling at Kelly Tan Lim, sa Boracay noong Lunes, April 21, 2025.
Hindi pa naglalabas ng karagdagang detalye ang Malay, Aklan Police ukol sa kidnapping-for-ransom case subalit naglagay na ng checkpoints sa lugar. RNT/SA