Home NATIONWIDE P6-B EDSA rehab sisimulan sa Dec. 24

P6-B EDSA rehab sisimulan sa Dec. 24

255
0

MANILA, Philippines – Magsisimula sa Disyembre 24 ang matagal nang ipinagpalibang rehabilitasyon ng EDSA, at pinaikli ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang proyekto sa walong buwan upang mabawasan ang abala sa mga motorista.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, isasagawa ang proyekto sa dalawang phase: ang unang apat na buwan ay saklaw ang Roxas Boulevard hanggang EDSA-Orense, habang ang natitirang apat na buwan ay para sa iba pang bahagi ng EDSA.

Ang dating dalawang taong plano na nagkakahalaga ng P17 bilyon ay binago sa P6 bilyon gamit ang selective reblocking at stone mastic asphalt (SMA), isang mas matibay na teknolohiya.

Magsisimula ang Phase 1 sa alas-11 ng gabi ng Disyembre 24 at magpapatuloy ng 24-oras hanggang Enero 5, 2026. Pagkatapos ng holiday break, lilipat ang mga gawa sa gabi, at muling bubuksan ang mga lane sa alas-5 ng umaga araw-araw.

Inaasahan ng DPWH at MMDA na magiging minimal ang epekto sa trapiko, at magpapatupad ng traffic management measures para gabayan ang mga motorista. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here