SADANGA, Mountain Province- Nadiskubre ng mga pulis ang anim na sakong dried marijuana stalks sa isang bakanteng kubo habang nagpapatrolya sa Mount Balitoc, Barangay Saclit, sa bayang ito nitong Biyernes.
Inihayag ni Col. Sibly Dawiguey, Mountain Province police chief, na ang kontrabando ay may bigat na kabuuang 500 kilo at nagkakahalaga ng P60 milyon.
Nadiskubre rin ng mga pulis at binunot ang 62,500 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P12 milyon habang nagpapatrolya sa Mount Chalimuno sa Barangay Saclit.
Sinunog ang mga ito at kinolekta ang samples para sa forensic analysis.
Namataan ng mga pulis ang cultivators sa lugar subalit nakatakas ang mga ito. RNT/SA