Home NATIONWIDE P63M illegal vape na ibinebenta sa messaging app, nasabat ng NBI

P63M illegal vape na ibinebenta sa messaging app, nasabat ng NBI

280
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI), katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR), ang P63 milyong halaga ng puslit na vape products sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan, Parañaque, at Pasay.

Ayon sa NBI-Cybercrime Division, aabot sa 179,000 piraso ng vape at accessories ang nakumpiska. Ibinebenta umano ang mga ito sa mga messaging app gamit ang cryptocurrency at casino chips upang makaiwas sa awtoridad.

Naaresto ang tatlong banyagang pinaniniwalaang may-ari at middleman ng isang Chinese supplier, gayundin ang dalawang Pilipino na nagsisilbing tagabenta.

Binigyang-diin ng NBI ang malaking lugi ng pamahalaan sa buwis at ang banta sa kalusugan ng mamimili mula sa mga produktong walang regulasyon. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Vape Regulation Law at Tax Reform Act. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here