TACLOBAN CITY- Nadiskubre ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P66 milyon sa isang ferry terminal sa Barangay Kinabranan Zone II, Allen, Northern Samar nitong Huwebes ng gabi.
Iniulat ng isang 30-anyos na port officer ang hinggil sa inabandonang bagahe sa Philippine Coast Guard.
Nagsagawa ang Coast Guard K9 Field Operating Unit ng paneling at inspeksyon kung saan narekober ang siyam na bloke ng tea bags na naglalaman ng shabu.
Dinala ang kontrabando na may timbang na 9.695 kilo, sa Allen Municipal Police Station para sa dokumentasyon bago ito itinurn-over sa Northern Samar police Forensic Unit para sa pagsusuri.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pinagmulan ng ilegal na droga. RNT/SA