Home NATIONWIDE Pagtugis kay Quiboloy sa KOJC compound aabutin ng ilang araw – PNP

Pagtugis kay Quiboloy sa KOJC compound aabutin ng ilang araw – PNP

MANILA, Philippines- Posibleng abutin ng ilang araw ang pagtunton kay Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City, ayon kay Philippine National Police spokesperson Col. Jean Fajardo nitong Biyernes.

Binanggit ni Fajardo amg 30-ektaryang compound at ang “delaying tactics” ng mga miyembro.

“It will take hours, if not days, to really search ang napakalaking compound na iyon at kailangan pag iispan ng mabuti,” ani Fajardo sa isang panayam.

Nitong Huwebes, kinumpirma ni Davao regional police director Brig. Gen. Nicolas Torre III na nagtatago si Quiboloy sa KOJC compound. Sinabi ni Torre na planong magsagawa ng panibagong operasyon laban kay Quiboloy, subalit iniiwasan umano nila na maging marahas ito. 

“This time around, they are still trying to explore some options para hindi na magkakasakitan ulit, at nakikita natin na nakaready sila, ina-anticipate nila na papasukin sila,” ani Fajardo.

Noong Hunyo 10, nasa 100 pulis ang sumalakay sa  KOJC compound upang magsilbi ng warrants of arrest laban kay Quiboloy, subalit hinarang sila ng mga miyembro.

Naghihintay ang P10 milyong pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong magreresulta sa pagkakaaresto kay Quiboloy, base kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. RNT/SA