Home METRO P680K shabu nasabat sa 2 suspek sa Olongapo

P680K shabu nasabat sa 2 suspek sa Olongapo

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang drug suspect sa Olongapo City matapos makuhanan ng halos P700,000 hlaga ng shabu.

Itinuturing ang mga nahuling suspek bilang “notorious high-value” targets sa pagtutulak ng illegal na droga sa lungsod.

Nakuha sa dalawang suspek ang nasa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 sa buy-bust operation sa Barangay Sta. Rita.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si alyas “Amang” habang hindi na pinangalanan ng pulisya ang kasama nito.

Nasa kustodiya na ng city drug enforcement unit ang dalawa at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Acts of 2002. RNT/JGC

Previous articleMagkapatid at pamangkin, patay sa pinalipad na motorsiklo
Next articleDetalye ng dayuhan na gumamit ng lehitimong PH passport, ibinulgar sa Senado