Home METRO P69M marijuana sa Benguet winasak ng PNP sa loob ng isang linggo

P69M marijuana sa Benguet winasak ng PNP sa loob ng isang linggo

276
0
via Philippine National Police FB Page

BENGUET, Philippines – Winasak ng Philippine National Police (PNP) ang marijuana plants at dried leaves na nagkakahalaga ng P69.172 milyon sa isang linggo sa Benguet.

Ayon sa PNP, isinagawa ang 24 marijuana eradication operations mula Marso 16–22, na nagresulta sa pagkasira at pagkumpiska ng 72,900 fully grown marijuana plants, 420 seedlings, at higit 454 kilos ng dried marijuana leaves, stalks, at fruiting tops.

“Hindi natin titigilan ang laban kontra ilegal na droga. Tuloy-tuloy ang ating operasyon, lalo na sa mga lugar na ginagamit sa pagtatanim at produksyon,” sabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

Dagdag pa niya, nakatuon din ang pulisya sa pagpigil sa paglaganap at distribusyon ng ilegal na droga sa buong bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here