Home METRO P7.5M imported shabu buking sa Port of Clark

P7.5M imported shabu buking sa Port of Clark

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa mahigit P7.5 milyong halaga ng imported na shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang interdiction operation sa Port of Clark noong Martes, Mayo 6.

Sinabi ng Bureau of Customs na may nadiskubreng kahina-hinalang pakete sa X-ray examination noong Mayo 6.

Ang mga kontrabando ay nakaimpake at itinago sa isang vacuum cleaner at rice cooker.

Ang sumunod na pisikal na pagsusuri ay nagbunga ng mga positibong resulta at ito ay kinumpirma ng PDEA K-9 inspeksyon.

Nakatago sa vacuum cleaner ang 538 gramo ng shabu kung saan may 574 gramo ng shabu ang rice cooker.

Nabatid sa PDEA na nagmula ang nasabing kontrabando sa Kuala Lumpur, Malaysia at dumating sa bansa nitong Mayo 6, 2015.

Ipapadala ang mga sample sa PDEA-Regional Office 3 laboratory para sa forensic examination at confirmation. JR Reyes