Home METRO P7.6M party drugs nakumpiska ng PDEA

P7.6M party drugs nakumpiska ng PDEA

MANILA, Philippines- Naharang ang shipment na naglalaman ng party drugs na nagkakahalaga ng P7,634,700 sa Port of Clark sa Pampanga nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ng PDEA nitong Huwebes na nagmula ang shipment na 4,491 tabletas ng ecstasy sa Belgium at dumating sa Port of Clark sa Pilipinas noong March 29.

“PDEA International Cooperation and Foreign Affairs Service (ICFAS) received an information that a certain parcel from Belgium will arrive at Port of Clark,” ayon sa PDEA team leader.

“The said information was relayed by PDEA Intelligence Service (PDEA IS) to PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) which led to the successful interdiction operation,” dagdag ng opisyal.

Sa presensya ng PDEA Clark personnel at witnesses, sinuri ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang package na naglalaman ng ecstasy. Nagpositibo ito sa field tests.

Inihayag ng PDEA na ipadadala ang nasabat na kontrabando sa PDEA RO3 laboratory para sa forensic examination.

Umasisti ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at iba pang ahensya sa operasyon, base sa PDEA. RNT/SA