LA UNION-Nagkakahalaga ng P720,000 ang fully grown marijuana plants ang pinagbubunot at sinunog ng mga otoridad mula sa dalawang taniman ng marijuana na nadiskubre nila sa Brgy. Sasaba, Santol ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 7.
Nagsasagawa ng marijuana eradication operation sa Sitio Bay-o ng naturang lugar ang mga tropa mula sa LUPDEU (lead unit), Santol MPS, 1st LUPMFC, LUPIU at PDEA RO1-RSET nang madiskubre nila ang dalawang taniman ng marijuana.
Humigit-kumulang sa 3,600 fully grown marijuana ang winasak ng mga otoridad mula sa mga naturang taniman.
Walang naarestong marijuana cultivator sa naturang marijuana eradication operation. Rolando S. Gamoso