Home NATIONWIDE P74M iligal na droga nakumpiska sa Gitnang Luzon

P74M iligal na droga nakumpiska sa Gitnang Luzon

Bulacan – Nasa P74,064,534.78 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Gitnang Luzon kabilang ang lalawigang ito.

Sa report ng Police Regional Office 3 (PRO3) nitong Nobyembre 27, ikinasa ang operasyon ng mga pulis sa ibat-ibang panig ng Gitnang Luzon kabilang ang Bulacan nitong Oktubre 1 hanggang Nobyembre 25.

Nabatid na aabot sa 910 na operasyon ang isinagawang ng mga pulis sa ibat-ibang panig ng rehiyon na may 1,365 indibiduwal ang naaresto.

Nakumpiska sa operasyon sa nabanggit na petsa ang 4,964 gramo ng shabu, 10,889 gramo ng marijuana at 26, 000 gramo ng kush na may kabuuang halaga na P74,064,534.78.

Kaugnay nito, nakumpiska rin ang 89 ibat-ibang klase ng mga baril sa mga operasyon ng pulisya sa naturang rehiyon.

Ayon kay PBGEN Redrico Maranan, Regional Director ng PRO3, “Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon ng ating kapulisan sa pagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan sa ating rehiyon.” Dick Mirasol