Home NATIONWIDE P76K na na-withdraw sa bank error, ‘di na pinababalik ng SC

P76K na na-withdraw sa bank error, ‘di na pinababalik ng SC

1
0
Supreme Court

MANILA, Philippines — Hindi maaaring obligahin ang isang depositor na isauli ang perang maling na-credit at na-withdraw niya nang may good faith kung gross negligence ng bangko ang dahilan ng pagkalugi, ayon sa Supreme Court (SC).

Ibinasura ng Third Division ang petisyon ng BDO Unibank Inc. na mabawi ang P76,000 na na-withdraw ng depositor na si Cristina Barcellano bago tuluyang ma-clear ang tsekeng kanyang idineposito.

“Banking is a business imbued with public interest and banks are required to exercise the highest degree of diligence,” diin ng SC.

Noong Setyembre 2003, nagdeposito si Barcellano ng regional check na nagkakahalaga ng P151,200 mula sa Land Bank of the Philippines sa kanyang BDO savings account sa Lucena City.

Nagkamali ang teller nang ituring itong local check kaya na-credit ang halaga matapos ang tatlong banking days sa halip na pitong araw. Nakapag-withdraw si Barcellano ng P76,000 bago nakatanggap ang BDO ng stop-payment order.

Iginiit ng bangko na dapat isauli ang pera sa ilalim ng solutio indebiti, o obligasyong ibalik ang salaping natanggap dahil sa pagkakamali.

Gayunman, sinabi ng SC na hindi napatunayan ng BDO na alam ni Barcellano na hindi iho-honor ang tseke. Lumabas anitong may good faith siyang nag-withdraw matapos mismong gawing available ng bangko ang pera sa kanyang account.

“Paying out funds from a deposited check before proper clearance and disregarding established banking procedures fall below this standard,” ayon sa Korte.

Tinukoy rin ng SC ang pagkabigo ng BDO na sundin ang basic safeguards, kabilang ang tamang classification at clearing period ng tseke.

Hindi blanket rule ang desisyon para sa lahat ng maling bank credit. Mahalaga sa kasong ito na napatunayang may good faith ang depositor at ang sariling gross negligence ng bangko ang sanhi ng pagkalugi. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here