Home NATIONWIDE P78M lotto jackpots mailap

P78M lotto jackpots mailap

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa major lotto draw nitong Huwebes, Hunyo 6, 2024.

Walang bettor ang nakahula nang tama sa kumbinasyon para sa Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42, na ibinola  ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang panalong kumbinasyon para sa Super Lotto 6/49 ay 18-03-13-35-30-27. Ang jackpot ay nasa P45,174,207.40.

Ang mga nanalong numero para sa Lotto 6/42 ay 05-17-23-22-25-13. Ang premyo ay P33,299,521.20. RNT