Home NATIONWIDE Peligrosong damang-init ibinabala sa 14 lugar

Peligrosong damang-init ibinabala sa 14 lugar

(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 14 na lugar sa bansa ang makararanas ng epekto ng Heat Index sa ilalim ng “peligrosong” lebel ngayong Biyernes, iniulat ng PAGASA.

Base sa pagtataya ng PAGASA, ang damang-init o heat Index sa mga sumusunod na lugar ay maitalala mula 42°C hanggang 44°C:

44°C

Maasin, Southern Leyte

43°C

Laoag, Ilocos Norte
Aparri, Cagayan
Tuguegarao City, Cagayan
Surigao City, Surigao del Norte

42°C

MMSU, Batac, Ilocos Norte
Bacnotan, La Union
CLSU-Munoz, Nueva Ecija
Casiguran, Aurora
Virac (Synop), Catanduanes
Roxas City, Capiz
Catarman, Northern Samar
Catbalogan, Samar
Tacloban City, Leyte

Samantala, parehong magkakaroon ng pinakamababang Heat Index forecast sa 25°C ang Baguio City, Benguet at BSU, La Trinidad, Benguet.

Ang damang-init o heat index ay isang sukatan kung gaano kainit ang tunay na nararamdaman kapag isinasaalang-alang ang relatibong halumigmig sa isang partikular na lokasyon.

Kinategorya ng PAGASA ang mga lugar na may 42°C hanggang 51°C Heat Index sa ilalim ng kategoryang peligroso, habang ang mga lugar na may 52°C pataas ay nasa ilalim ng matinding panganib.

Ang heat stroke ay posible sa mga lugar na nasa ilalim ng matinding panganib, habang ang mga heat cramp, pagkahapo at heat stroke ay malamang na mga panganib sa ilalim ng antas ng panganib. RNT