Home METRO P7M shabu nasamsam, ginang arestado

P7M shabu nasamsam, ginang arestado

BOHOL- ARESTADO ang isang ginang matapos makuhanan ng higit sa P7 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad noong Miyerkules sa lalawigang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Nelfa Limbo, 56, tubong Leyte at residente ng Barangay Sucat, Parañaque City.

Sa operasyon ng mga operatiba ng Bohol Police Provincial Office (BPPO) bandang 10:55 PM nang madakip ang suspek sa Purok 2, Barangay Poblacion, Dauis.

Nakuha sa suspek ang malaking pakete na naglalaman ng pinaniniwalaan shabu na may bigat na 1,050 gramo at may standard drug price na P7,140,000.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng intelligence report na may deliver ng illegal na droga sa nasabing bayan at agad na inilatag ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Habang isinasailalim sa interogasyon si Limbo, sinabi nitong napag-utusan lamang siyang ideliber nito ang shabu mula sa isang preso sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sinabi ng BPPO na tukoy na nila ang tumanggap ng droga sa bayan ng Dauis subalit minabuti na muna nilang hindi ilantad ang pagkakakilanlan nito habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon. Mary Anne Sapico

Previous articleBIR tatalupan sa sinisingil na 25% withholding tax, 12% VAT sa cross-border services
Next articleAnthrax ‘di mabilis kumalat – DOH