Home METRO P8.3M ismagel na yosi, nasabat sa Bacolod

P8.3M ismagel na yosi, nasabat sa Bacolod

BACOLOD, Philippines – Kinumpiska ng mga otoridad ang 149 na kahon ng mga inismagel na sigarilyo na nagkakahalaga ng P8.38 million nitong Miyerkules, Hulyo 2, sa Bacolod.

Ayon kay Police Major Kent Jerek Capadosa, acting commander of Maritime Police 4th Special Operations Unit, rumesponde ang kapulisan sa ulat na mayroong namataang kahinahinalang vessel na naglululan ng mga hindi kilalang indibidwal sa Old Airport, Barangay Singcang-Airport.

Saktong ibinababa ang mga kontrabando nang dumating ang mga pulis. Ayon kay Capadosa ay hinihinalang sa Sulu nag mula ang mga ito.

Sa komprontasyon, may ilang suspek ang nakatakas at tatlo naman ang nahuli kasama rito ang buyer nito. Hindi nakapagpakita ng kahit anong dokumento ang mga ito.
Maaaring humarap ang mga suspek sa tax evasion charges mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil hindi dumaan sa wastong tax process ang mga nasabat na sigarilyo.
Ang tatlong suspek, may edad na 29, 38, at 43, ay nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Negros Occidental. RNT/MND