Home NATIONWIDE P8.7M ismagel na sigarilyo nasabat sa baybayin ng Zamboanga Sibugay

P8.7M ismagel na sigarilyo nasabat sa baybayin ng Zamboanga Sibugay

266
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang P8.7 milyong halaga ng mga ismagel na sigarilyo sa dalampasigan sakop ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos maharang ang isang gray motorized boat bandang alas-4 ng umaga nitong Huwebes, Disyembre 11.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Graphic Health Warnings Law at Customs Modernization and Tariff Act.

Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa 150 master cases ng smuggled na sigarilyo.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang naarestong suspek at ang mga nasamsam na sigarilyo.

“We will keep tightening our watch over coastal entry points. Patuloy naming isinusulong ang mga operasyong nagpoprotekta sa ekonomiya at kaligtasan ng ating mga komunidad,” pahayag ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here