MANILA, Philippines- Nasungkit ng isang mananaya ang Megalotto 6/45 jackpot prize na nagkakahalaga ng P8.91 milyon nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang winning numbers ay 01-21-03-28-02-24.
Ito ay makalipas ang limang araw nang masolo rin ng isang mananaya ang Megalotto 6/45 jackpot na nagkakahalaga ng mahigit P16 milyon.
Wala namang nanalo sa isa pang major draw, ang Grand Lotto 6/55, na may alok na premyong P29.7 milyon at may winning numbers na 20-32-21-31-13-50. RNT/SA