Home METRO Sunog sa residential area sa Sampaloc, Manila itinaas sa 4th alarm

Sunog sa residential area sa Sampaloc, Manila itinaas sa 4th alarm

MANILA, Philippines- Inakyat na sa ika-apat na alarma ang sunog na nagaganap ngayong umaga ng Huwebes, Enero 18, sa bahagi ng Sulukan Street, Sampaloc, Maynila.

Partikular na nasusunog ang isang residential area na nagsimula ng alas-5:06 pa ng umaga ngunit ilang minuto lamang ang nakalipas ay umabot na ang sunog sa naturang alarma. Ayon sa inisyal na impormasyon, mabilis kumalat ang apoy dahil pawang mga gawa sa light materials ang mga bahay bukod pa sa magkakadikit ang mga ito.

Sunod-sunod na rin ang pagdating ng mga bumbero na tulong-tulong sa pag-apula ng sunog.

Nanatili naman sa gilid ng kalsada ang mga naapektuhang residente na lumikas mula sa kanilang mga bahay na nadamay. Jocelyn Tabangcura-Domenden