Home NATIONWIDE P8.9M premyo sa Mega Lotto, nasolo!

P8.9M premyo sa Mega Lotto, nasolo!

MANILA, Philippines- Nasolo ng mananaya ang P8.9 million Mega Lotto 6/45 jackpot prize sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes.

Nahulaan ng maswerteng mananaya ang 30-42-39-12-35-18 digit combination.

Samantala, wala namang nakahula sa 02-44-55-51-04-30 Ultra Lotto 6/58 winning numbers, na may jackpot prize na P49.5 million.

Para sa digit games, ang resulta ay 0-5-9-4 para sa 4D Lotto, 5-7-8 para sa 3D Lotto, at 09-20 para sa 2D Lotto.

Isasagawa ang sunod na Ultra at Mega Lotto draws sa Sept. 3 at 4. RNT/SA