MANILA, Philippines – Naharang ng mga awtoridad ang ilang parcel na may snack boxes na naglalaman pala ng aabot sa 120 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P816 milyon, sa isang warehouse sa Pasig City.
Sa pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Lunes, Hunyo 8, sinabi ng PDEA na ang mga parcel ay nagmula sa iba’t ibang lugar sa California, USA at ipinadala sa iba’t ibang consignees sa Taguig, Pasig at Makati.
Ang mga parcel na ito ay hindi idineklara pagdating sa bansa.
“While no suspects have been apprehended at this stage, the interdiction has laid the groundwork for an ongoing and broader investigation,” ayon sa PDEA.
Ang mga ebidensya ay ipinadala na sa PDEA Laboratory Service para sa confirmatory analysis.
“This interdiction success is a product of strong collaboration between PDEA and our law enforcement partners. Our presence in major airports, seaports, and cargo facilities is not just necessary—it is imperative,” sinabi ni PDEA director general Undersecretary Isagani R. Nerez.
Nanawagan naman ang PDEA sa publiko na manatiling alerto at iulat ang anumang kahina-hinalang package o drug-related activities. RNT/JGC